20 Banat Jokes para kay Crush 2021

best banat jokes 2021

Likas na sa mga pinoy ang pagiging bolero lalo na pagdating sa mga crush nila. Kaya naman naimbento ang mga "banat" jokes para pakiligin, patawanin at minsan naman ay para bolahin ang mga crush or kasintahan nila. Talaga namang nakakaaliw ang mga banat jokes na mga naiisip ng mga pinoy kaya naman talagang bentang benta ito sa madlang people. Kadalasan ang boy ang naglalapag ng banat pero sa panahon ngayon di na rin nagpapatalo ang mga girls kaya may mga banat din sila para sa boys. Kaya heto na ang 20 tagalog banat jokes na nakalap ko para sa taong 2021.

best banat jokes 2021
1. Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw lang ang axis nito, ....para sayo lang iikot ang mundo ko.
best banat jokes 2021
2. Sana facebook status ka nalang...para ma like kita.
banat jokes pinoy ibenta ang bahay
3. Ibenta mo na bahay mo...tutal dito ka na rin naman nakatira sa puso ko.
pinoy jokes 2021 off ang ilaw
4. Sana naka off ang ilaw...para tayo nalang ang mag-on
jokes banat tagalog juan tamad
5. Para tayong kwento ni Juan Tamad. Ako si Juan Tamad at ikaw yung bayabas...Hinihintay lang kitang mahulog sa akin.
banat jokes best holdaper
6. Para kang holdaper...Lahat ibibigay ko sayo huwag mo lang akong saktan.
boy banat mahal kita
7. Boy: Anong tagalog ng 'I love you"?
Girl: Mahal kita
Boy: Mahal din kita
girl banat exam
8. Sana exam mo nalang din ako... para sagutin mo din ako. 
banat 2021 binabato
9. Ang galing mo din ano? Di mo pa nga ako binabato, tinamaan na ko sayo.
mga banat universe
10. Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero ang alam ko nagsisimula ito sa U N I
banat para kay crush 2021 cardiologist
11. Sana ikaw ang cardiologist ko... para ikaw ang mag-aalaga ng puso ko.
banat para kay crush scientist
12. Sana scientist ako... para ikaw ang lab ko.
nakakatawang banat rebond
13. Miss para kang rebond...nagawa mo akong straight.
mabentang banat antok
14. Sana ako lang si antok...para gabi gabi pwede kitang dalawin
banat kay girl noodles
15. Noodles ka ba? kasi Lucky me!
banat kay boy kulangot
16. Para ka namang kulangot, you're so hard to get.
best banat jokes 2021 seesaw
17. Ang buhay ko ay parang seesaw. Pag wala ka, down ako.
pinoy banat jokes 2021 magmurahan
18. Dalawa lang ang pwedeng mangyari. Either magmurahan tayo or magmahalan tayo. So ano?
tagalog banats yosi
19. Tindera ka ba ng yosi? kasi you give me HOPE..and MORE
pinoy banat jokes - posporo
20. Sana posporo tayo..para match tayong dalawa.

Sana ay nagustuhan niyo ang unang koleksyon ng mga tagalog banat jokes na aking nakalap ngayong 2021. Walang masama tumawa paminsan minsan kaya bumisita lang palagi dito sa aking blog na pinoy corny jokes. At kung maari pakisuportahan din ang aking facebook page. Maraming salamat!!!
Mga etiketa:

Mag-post ng isang Komento

[blogger]

Author Name

Form sa Pag-contact

Pangalan

Email *

Mensahe *

Pinapagana ng Blogger.