Best Boy Girl Tagalog Jokes 2021

best boy girl tagalog jokes 2021
Panibagong araw na naman para magbahagi ng mga pinoy corny tagalog jokes. Sa post na ito tampok naman ang batuhan ng jokes between boy at girl na talaga namang nakakaaliw lalo na kapag ang isa ay nababara. Minsan kawawa si girl pero madalas ay mas kawawa yung mga boys. So ikaw, nasang team ka ba? Are team boys? or are you team girls? Kaya heto na ang ilan sa mga boy at girl  tagalog jokes na aking nakalap ngayong 2021.

1. BOY: Ikaw ang susi ng puso ko.. 
GIRL: Ows? Talaga ? :”> Eh sino yung kasama mo kanina? 
BOY: Duplicate..
susi ng puso pinoy corny jokes 2021 boy girl
2. (SA PARKE)
BOY: Uyyy!!!
GIRL:Baket??
BOY:Punta tayo sa madilim na parte ng parke !
Gusto mo??(nasasabik)
GIRL:Sige!!! Sige!!
BOY: Oh eto na ihuhubad ko na pantalon ko ha!!!
GIRL: Maghuhubad rin ba ako?? (nanginginig sa kinikilig)
BOY: Baket??? NATATAE KA RIN BA???
sa parke joke time pinoy bot girl
3. BOY: Miss, talon ka na jan.
GIRL: Bakit naman?
BOY: Para mahulog ka sa akin.
GIRL: Ah? ganun? Alam mo para kang manhole
BOY: Wow! gumaganti ah, bakit naman?
GIRL: Tanga lang ang mahuhulog sayo.
talon ka na jokes pinoy boy girl
4. BOY 1: Sana birthday candle ka na lang.
BOY 2: Bakit?
BOY 1: Para habang pinapatay kita, nagpapalakpakan sila.
birthday candle boy girl pinoy jokes
5. Girl : Di na mag-wowork and relationship natin... iiwan na kita.
Boy : WAG MAHAL! di ko kaya! pag umalis ka maglalalaslas ako!
Girl : Bwiset! Magpatuli nga hindi mo kaya, Mag laslas pa kaya?
di na nagwowork pinoy jokes 2021 boy girl
6. Textmates nagpasyang mag-eyeball.
GIRL : Magsusuot ako ng yellow.
BOY : Magsusuot naman ako ng green.
Sa araw ng eyeball, dumating ang pangit na babae sa venue, ngunit walang naka-green. Nilapitan niya ang nag-iisang lalaki pero naka-red.
GIRL: Excuse me. Are you my textmate?
BOY: HUH? HALLER? NAKA-GREEN BA 'KO?
textmates pinoy jokes girl boy
7. GIRL: Talaga, may-ari ka na ng mga condo units at negosyo? Wow, ang yaman mo naman pala! Saang lugar naman yan?
BOY: Sa CityVille, FB
citiville girl boy tagalog jokes
8. Boy : Ang manok, baboy, prutas, gulay…
Girl : Hmp, alam ko na ‘yan, nagmamahalan na, tayo na lang ang hindi?!
Boy : Hindi, lahat ‘yun, natikman ko na, ikaw na lang ang hindi.
manok prutas tagalog corny jokes 2021 girl boy
9. Nagtxt si BOY (ex bf ni girl) kay GIRL…
BOY: Mahal pa din kita. pwede ba maging tayo ulit?
GIRL: Asa ka pa! Wag ka ng magtxt. Ayoko nang masaktan pa.
BOY: Ayos ka ha! ikaw lang ba EX ko?! Send to many kaya to!
nag txt ex pinoy jokes corny
10. Boy : pag tayo na, magkasama na nating haharapin ang mga problema.
Girl : pero wala naman akong problema.
Boy : kasi nga, hindi pa tau. Wag ka excited.
pag tayo na joke time 2021
Sana ay nagustuhan niyo ang mga nakalap ko na boy at girl pinoy corny jokes ngayong 2021. Tandaan na katuwaan lamang ang mga jokes pinoy dito at huwag masyadong personalin.
Mga etiketa:

Mag-post ng isang Komento

[blogger]

Author Name

Form sa Pag-contact

Pangalan

Email *

Mensahe *

Pinapagana ng Blogger.