Goooood mooooooorniiiiing teeeeeeaaaachhherrrrrr. Kung naging estudyante ka noong elementary malamang sa alamang ay naranasan mo din bigkasin ang mga katagang iyan. Suot ang bagong laba na uniform, tsinelas na minsan ng ginawang pamalo sa pwet mo, at kung mayaman ka, with bag na de kariton, pero kung mahirap naman, kahit supot ng plastic pwedeng pwede na yan. Madalas din magkaasaran at magtawanan sa loob ng isang eskwelahan at di mawawala ang mga jokes dito. Kaya heto na ang ilan sa mga tagalog estudyante at teacher jokes na aking nakalap ngayong 2021.
1. ESTUDYANTE: Lord, sana po hindi ako malate ngayon. Pabilisin nyo po sana ang lakad ko.
(Nadapa ang studyante)
STUDYANTE: Lord, excited? Kailangan manulak?
2. PROFESSOR: Bakit ka na-late?
STUDENT: Naholdap po ako!
PROFESSOR: Oh?! Ano’ng kinuha sa ‘yo?
STUDENT: ‘Yung assignment ko po!
3. TITSER: Bat ka na-late?
EDWARD:Nawalan po kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: Tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.
4. TITSER: Mario, nasaan na ang assignment mo?
MARIO: Ma’am, na kay Edwin po! Ginawa n’yang eroplanong papel!
TITSER: Edwin, bakit kinuha mo ‘yung assignment ni Mario? At ginawa mo pa raw eroplanong papel?! Akin na, titingnan ko.
EDWIN: Wala na po, Ma’am!
TITSER: Bakit?
EDWIN: Na-hijack po ‘yung eroplano! Hindi na nakabalik!
5. (Si Juan nahuling nangongopya)
TEACHER: Ganyan ka talaga ka bobo Juan?
JUAN: Ma'am! Seeking help is not a sign of ignorance. It is an intellectual act that allows people to admit that some situations are not meant to be handled alone!
6. TEACHER: Ano ang sagot sa bugtong na ito, "Ayan na, ayan na, hindi mo pa makita!"
JUAN: Maam, "Tanga?!"
7. GURO: Ano dapat gawin pag may lindol?
ESTUDYANTE: Buksan po ang ilaw!
GURO: Bakit?
ESTUDTANTE: Kasi po sa bahay kubo namin, madalas lumindol kapag gabi, pero pag-switch ko po ng ilaw, biglang tumitigil!!!
8. TITSER: Pedro, use ‘Paul’ in a sentence.
PEDRO: PAUL, be carePAUL, you might PAUL in the swimming PAUL and make a PAUL of yourself before the peoPAUL!
9. TATAY: Anak, mag-aral ka!
ANAK: Ayoko po! Bobo po ako! Hindi po ako makaintindi!
TATAY: Kaya nga mag-aral ka, para makaintindi ka!
ANAK: Ayoko nga sabi! Bakit hindi kayo makaintindi? Bobo rin ba kayo?!
10. Tumawag si Kenneth kay Jun-jun sa telepono…
KENNETH: Pare, magsi-shift na lang ako sa Fine Arts.
JUN-JUN: Naku, pare! Bago mo isipin ang pagsi-shift ng course, tapusin mo muna ang elementary!
Sana ay nagustuhan niyo ang aking mga nakalap na estudyante titser tagalog jokes ngayong 2021. Nakakamiss din talaga minsan ang pumasok sa eskwelahan. Yung magkukulitan with classmates at yung mapapagalitan ng teachers. Hays, those were the days. Anyways paki like po ang aming facebook page kung natawa kayo kahit konti sa aming mga pinoy jokes. Maraming salamat po!!!
Mag-post ng isang Komento