Bang bang bang. Tampok naman natin ngayon ang mga pinoy jokes kung saan bida ang mga pulis. Madalas din kasing gawan ng jokes ang mga pulis at ang mga hinuhuli nitong mga kriminal at salarin. Kahit ang mga pelikula noong 80's at 90's ay palaging ang mga magigiting nating kapulisan ang mga bida. Panahon kasi noon ng mga action movies. Pero ngayon bihira nalang ang mga ganitong palabas. Mabuti nalang andyan pa rin ang Probinsyano ni Coco Martin na walang may alam kung kailan matatapos. Kaya heto na ang ilan sa mga pulis tagalog jokes na aking nakalap ngayong 2021.
1. Sa isang presinto...
PULIS: Ano ang itsura ng suspek?
SAKSI: Naka-orange po siya at dilaw ang buhok.
ARTIST: (gumuhit) Bossing, hindi natin kayang hulihin ‘to.
PULIS: Bakit?
ARTIST: Dilaw raw ang buhok at naka-orange.
ARTIST: Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to!
2. PULIS: Sino sa inyo ang naka saksi sa aksidente?
BRUNO: Ako po sir!
PULIS: Nakuha mo ba yung plate number ng sasakyan?
BRUNO: Eh hindi po sir, naka turnilyo kasi eh
3. Isang "Most Wanted Criminal" ang naaktuhang gumagawa ng krimen, mabuti nalang may nagco-conduct ng police operation malapit sa lugar ng pinangyarihan.
PULIS: Sumuko ka na, napapaligiran na kita
KRIMINAL: Neknek mo! Hindi mo ako mahuhuli! Marami AKO!
4. PROBINSYANO: Mamang pulis, saan po papuntang ospital?
PULIS: Huwag ka aalis dyan sa gitna ng kalye. Mamaya nasa ospital ka na!
PROBINSYANO: Opo maraming salamat po, napakabait niyo po.
5. JEEPNEY DRIVER TINIGIL NG PULIS
DRIVER: Oh ano yung violation ko?
PULIS: wala
DRIVER: Gago ka pala eh, bakit mo ako hininto?
PULIS: Tanga ka pala eh! Sasakay ako!
6. PULIS: Lola bakit niyo po sinaksak yung rapist?
LOLA: Damuhong yun!. Gago! Lapastangan! Abusado! Nilamutak ako at pinunit ang damit na parang sanggol na walang damit tapos bigla niyang sasabihing joke lang po Lola sabay nag mano!
PULIS: Nag jojoke lang naman pala eh?
LOLA: Eh serious kaya ako! pipikit-pikit pa naman ako at pakagat-kagat sa labi! Kaya ayun nainis ako inulakan ko na!
7. PULIS: (kumatok sa bahay)
PEDRO: Sino yan?
PULIS: Pulis to!
PEDRO: Bakit? anong kailangan
PULIS: Gusto lang namin makipag-usap
PEDRO: Ilan kayo?
PULIS: Tatlo kami
PEDRO: Bakit hindi nalang kayong tatlo mag-usap usap. Gusyo niyo pa talaga akong isali. Marami pa akong ginagawa dito. Mga adik yata kayo!
8. PULIS: hoy bata ka bakit sa poste ka tumatae! Bawal yan! Sumama ka sa akin sa presinto!
BATA: Sasama lang ako sa inyo kapag pinulot mo ang ebidensya!
9. Juan tumawag sa Police Station via cellphone
JUAN: Hello! Emergency po! Nasaksak po kaibigan po
PULIS: Asan kayo?
JUAN: Eucalyptos Street po!
PULIS: Paki spell nga.. (Tagal na walang sagot si Juan. Puro hingal at ungol lang naririnig ng pulis)
PULIS: Hello?? Hello?? Anong nangyayari?
JUAN: Di ko po alam spelling ng Eucalyptos Street eh. Kaya kinaladkad ko siya. Dito na po kami sa Yakal Street. Y-A-K-A-L po! Yakal!
10. PULIS: Sir, kailangan niyo po bagalan ang pagmamaneho niyo.
JUAN: Ay sori po chief! (Lasing nyang sabi)
PULIS: Sir lasing po kayo ah! Di kayo pwedeng mag drive ng lasing
JUAN: Lasing? Sinong lasing? Di ako lasing!
Kilala nga kita eh. Pulis ka no?
PULIS: opo sir
JUAN: Eh ako kilala mo?
PULIS: hindi po..
JUAN: Eh di ikaw ang lasing!
Sana ay nagustuhan at natawa naman kayo sa aking mga nakalap na tagalog jokes about pulis ngayong 2021 pero syempre saluduhan pa rin natin ang ating mga kapulisan dahil hindi biro ang kanilang mga trabaho.
Mag-post ng isang Komento