Ang nanay ang ilaw ng tahanan. Ang ama naman ang haligi nito. Eh yung mga anak ano naman sila? syempre sila yung sentro ng pagmamahalan nilang dalawa. Pero minsan sila din ang sentro ng kulitan, tawanan at asaran. Nakakatawa din naman talaga kasi kapag ang mga pinoy corny jokes ay tampok ang mag-ina or mag-ama. Ang kulit din naman kasi. Kaya heto na ang ilan sa mga pinoy jokes tungkol sa mag-ina at mag-ama na aking nakalap ngayong 2021.
1. INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
ANAK:Nay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: You only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos Nay mukhang matapobre.
2. ANAK: Papa nagtumbling ako sa iskul!
AMA: I told you, huwag kang magtumbling at makikita panty mo!
ANAK: Hindi naman nakita eh! Nilagay ko sa bag tay.
3. ANAK: Busog nako.
MAMA: Ano ka ba? Ubusin mo yan! Hindi mo ba alam? Napakaraming nagugutom sa buong mundo?
ANAK: Oh tapos? Pag inubos ko to, mabubusog sila ganon?
4. NANAY: Anak takbo nasusunog bahay natin.
ANAK: Sandali lang mag po post lang ako sa FB na nasusunog bahay natin.
NANAY: Sige bilisan mo mag cocoment ako!
5. ANAK: Tay, may manok sa kusina tinutuka ung bigas..
TATAY: Paalisin mo.
ANAK: Hoy manok umalis ka nga dito!
TATAY: Bobo gulatin mo.
ANAK: Hoy manok, bulaga!
TATAY: Bugok takutin mo.
ANAK: Manoook aswang ako awoooo...
TATAY: Nyemas! Bugawin mo!
ANAK: Boss chikz 50 lng, batang bata pa..
TATAY: Hulihin mo na nga lang..
ANAK: Manok! Pulis ako. Taas pakpak!
TATAY: Lintik! Ikaw ang lumayas!
ANAK: Ako tay?
TATAY: Ay hindi! Hindi! Ako na lang baka mapatay pa kita...
6. ANAK: Mom i know the truth
MOM: ha?? eto P500 huwag ka lang maingay sa Dad mo!!
ANAK: Dad i know the truth
DAD: ha?? eto ang P1000 huwag ka lang maingay sa Mom mo
ANAK: (ok pa ito... subukan ko nga sa katulong) Inday i know the truth!!!
INDAY: SA WAKAS!!! YAKAPIN MO AKO ANAK!!!
7. ANAK: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
TATAY: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap...)
ANAK: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!
8. NANAY: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin?
ANAK: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, "tama na inday, hanggang tatlo lang kaya ko."
9. "ANAK:Nay,gusto ko ngayong birthday ko special dapat message mo sakin yung tipong maiiyak ako ha.
NANAY:Anak,ampon ka."
10. Nanay: Ang lakas mong kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: “Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga anak mo, ako o yong baboy?”
Sana naman ay nagustuhan at natawa naman kayo sa aking mga nakalap na tagalog jokes tungkol sa nanay, tatay at anak. Ganito tayo ka family oriented bilang mga pinoy. Kahit pagdating sa jokes at asaran, number 1 pa rin ang pamilya.
Mag-post ng isang Komento