Pagdating sa kalokohan, hindi rin magpapatalo ang mga doktor at nars natin. Marami rin silang mga mabentang pinoy jokes na nakakatawa. No wonder patok na patok din palagi sa mga tv shows ang batuhan ng jokes between doctor nurse at patients. Nandiyan yung pinoy jokes habang nasa operasyon, meron din naman yung nasa mental hospital at kadalasan ay nasa clinic naman. On a serious note, saludo ako sa mga medical front liners natin ngayon dahil hindi biro ang magduty ngayon lalo na kung sa Covid ward sila ma-assign. Ipagdasal natin palagi ang kanilang safety at sana ay matapos na talaga itong banta ng pandemya hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Hopefully lahat ng front liners ay makapa vaccine na at pati na rin yung mga ordinaryong mamamayan para naman kahit papano ay may panlaban tayo sa virus na ito. Kaya heto na ang ilan sa mga medical, doctor, nurse at patient tagalog jokes na aking nakalap ngayong 2021 para naman kahit papano ay mabawasan ang mga stress ng ating mga medical frontliners.
1. DOC: Iha, mukhang pumapayat ka at hinang hina pa.
Sinunod mo ba advice ko na 3 meals a day?
GIRL: Diyos ko! 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day eh!!
2. Nurse: Doc, bakit kailangan naka gloves habang nag oopera?
Doc: Importante talaga yan para kung sakaling mamatay ang pasyente, walang fingerprints na makikita.
3. A mental patient is singing while lying on a hospital bed.
after a song dumapa sya
the nurse asked...
"O, bakit ka bumaliktad?"
HE ANSWERED:
"Addict ka ba?! Side B na kaya!"
4. Juan: (Tinawagan ang mental hospital)
NURSE: Mental Hospital. Hello
JUAN: Ahh Miss may pasyente po ba sa room 510
NURSE: Wala na po kasi naka takas.. Bakit po sir?
JUAN: Ahhh. Wala sinigurado ko lang nakalabas na tagala ako dyan.
5. PASYENTE: Dok... Ninenerbyos po ako! First operation ko po ito...
DOCTOR: Alam ko ang nararamdaman mo... Kasi ikaw rin ang una kong pasyente.
6. Nurse: Doc, ba't tinanggihan nyo yung pasyente?
Doktor: Alin, yung bakla?
Nurse: Opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
Doktor: Ano naman raraspahin ko sa kanya?
7. Pasyente : Okey ba ang services sa ospital na ito ?
Doctor : Oo naman . sigurado yan .
Pasyente : Paano kung hindi ako satisfied ?
Doctor : ibabalik namin yong' sakit mo!
8. Doktor: I’m sorry, wala na akong magagawa para tumayo pa si manoy mo.
Palagyan mo na lang ng bolitas.
Pedro: Pagkatapos po, doc?
DoKtor: Gamitan mo ng magnet para tumayo.
9. Dalawang Doktor ang nag-uusap sa loob ng isang klinika.
Unang Doktor: Dok, pwede bang gamutin ninyo ako?
Ikalawang Doktor: Pwede, bakit ano ba ang nararamdaman mo?
Unang Doktor: Kasi tuwing hapon, palagi akong nahihilo.
Ikalawang Doktor: Bakit, ano bang trabaho mo?
Unang Doktor: Eh, Doktor rin ho!
Ikalawang Doktor: O, Doktor ka rin pala eh, bakit hindi mo gamutin ang sarili mo?
Unang Doktor: Kasi, Dok, mataas ako kung sumingil, eh!
10. Girl: Dok, pa-check- up lang po.
Doktor: Sige, iha. Mag*hubad ka at humiga.
Girl: Hindi po ako. ‘Yung lola ko po.
Doktor: Sige, lola… hinga!
Lola: Hinga? Hindi hubad?
Doktor: HINGA!!!
Sana ay nagustuhan niyo ang aking nakalap na pinoy jokes about medical doctors, nurses at patients ngayong 2021.
Mag-post ng isang Komento