Basta pinoy marami talagang nakakatawang mga jokes at banat para kay crush, mga galawang hokage at kung ano ano pang kalokohan. Likas talaga kasi sa atin ang maging kwela at mapagbiro. Kaya naman isa tayo sa mga bansa na may happiest people. Sa school madalas tayong magbiro sa mga kaklase natin lalo na kay crush. Minsan nagpapatulong pa sa mga barkada para itulak kay crush. Sa trabaho naman pasimpleng banat at patama lang kay crush na officemate. Hatid sundo or sasabayan lang maglakad pauwi habang nililibang ng mga pamatay na banat. Kaya naman narito na ang ilan sa mga pinoy love jokes para mapangiti sina crush, boy, girl, asawa, bf, gf at isama na rin natin ang mga members ng lgbtq+.
1. Sa exam nakatabi ni Boy ang kanyang crush.
GIRL: Hoy! Bawal daw mangopya sabi ni teacher!
BOY: Di naman ako nangongopya eh!
GIRL: Eh bakit ka ba nakatingin sa paper ko?
BOY: Tinitingnan ko lang naman pangalan mo kung bagay sa apelyido ko.
2. BOY: Babe, ansungit mo na naman, ano bang problema?
GIRL: Tanong mo dun sa babaeng nilibre mo ng MIKMIK!
3. GIRL: Ang puti naman ng bird mo..
BOY: Aba syempre ah!! Likas papaya yata gamit ko dyan!
GIRL: Ginamitan mo din ba ng downy?
BOY: Bakit? Mabango ba?
GIRL: Lambot eh!!!
4. BOYFRIEND: Mahal, nakikita mo ba yung babaeng yun?
GIRLFRIEND: Oo, bakit?
BOYFRIEND: Iyan ang ex-girlfriend ko!
GIRLFRIEND: Hindi naman sexy at ang pangit pangit!
BOYFRIEND: Talagang ganun. ganyan talaga kahinaan ko noon pa man.
5. MISIS: Walang hiya!
MISTER: Walang hiya ka rin!
MISIS: Gago!
MISTER: Gago ka rin!
MISIS: Tanga!
MISTER: Tanga ka rin!
MISIS: Supot!
MISTER: Wala namang ganyanan!!!
6. MISIS: Hoy! tama na yang beer mo! Masyado kang magastos!
MISTER: Ikaw, make up mo yung magastos!
MISIS: Nagpapaganda ako para sa iyo!
MISTER: Ako, umiinom naman para gumanda ka!
7. WIFE: Maghihiwalay na tayo!
HUSBAND: Ok! Akin ang bahay!
WIFE: Akin ang farm!
HUSBAND: Akin ang kotse!
WIFE: Akin ang driver!
HUSBAND: Pwes! Magkamatayan tayo! Matagal na siyang akin!
8. WIFE: Himala! Ang aga mong nauwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko.
Sabi niya, "GO TO HELL!" Kaya eto uwi agad ako.
9. GIRFRIEND: I'm warning you! darating na si daddy within 1 hour!
BOYFRIEND: Eh ano ngayon, wala naman tayong ginagawang masama ah.
GIRLFRIEND: Kaya nga! Kung may plano ka. DALIAN MO NA! wink wink
10. GIRL: Maganda ba ako?
BOY: Oo, kaya lang bumbayin ka.
GIRL: Hindi naman ako mukhang bumbay ah? Tisay yata ako!
BOY: Oo nga! Pero yang amoy mo bumbayin!
Sana ay nagustuhan niyo ang aking mga nakalap na pinoy love jokes ngayong 2021. Laging tandaan na sa pag-iibigan kailangan din ng tawanan at biruan para mas lalong sumaya ang pagsasamahan.
Mag-post ng isang Komento