Sabi daw nila a family that prays together stays together. Pero para sa akin, aside sa prayer, a family that laughs together stays together happily. Masarap kapag masaya ang pamilya. Masaya ang tahanan. Puno ng tawanan at halakhakan. Yung tipong makakimutan mo muna pansamantala ang mga problema sa buhay. Nakakawala ng stress ang ganitong klaseng pamilya. Nakakadagdag inspiration para mas lalong magsumikap para sa ikakasaya ng pamilya. Kaya narito na ang ilan sa mga funny pinoy family jokes na aking nakalap ngayong 2021.
1. MISIS: Sir, nanawagan po sana ako sa Mister ko kasi dinala niya ang limang anak namin.
RADIO HOST: Ok, go ahead
MISIS: Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang sayo diyan.
2. ANAK: Busog nako.
MAMA: Ano ka ba? Ubusin mo yan! Hindi mo ba alam? Napakaraming nagugutom sa buong mundo?
ANAK: Oh tapos? Pag inubos ko to, mabubusog sila ganon?
3. Nagtanong si Totoy kay Erpat, "Itay, ano ang pinagkaiba ng "confident" at "confidential"
Erpat: Ikaw ay aking anak, I am "confident" doon. Pero yung kaibigan mo doon, ay anak ko rin. Iyan ay "confidential"
4. ANAK: Ma, pwede po pahingi ng barya?
NANAY: Bakiy anak?
ANAK: Ibibigay ko lang po doon sa matanda
NANAY: Wow ang bait naman ng anak ko, nasaan ba yung matanda?
ANAK: Ayun po oh, nagbebenta ng ICE CREAM
5. TATAY: Ano tong "F" sa card mo ha?
ANAK: (kinakabahan habang nag-iisip) Fasado po ibig sabihin niyan!
TATAY: Ahhh kala ko Ferpect!
6. DAD: Mabait ba ang boyfriend mo?
ANAK: Yes daddy!
DAD: Maka-Diyos?
ANAK: Sobra dad
DAD: Nasaan sya?
ANAK: Nandoon sa simbahan nagmimisa.
7. NANAY: anak lutuin mo na yung mga gulay parq may makain tayo
ANAK: Nay maya na busy pa po ako eh
NANAY: bakit ano yang gimagawa mo
ANAK: eto pong saranggola ko
NANAY: bakit anak makakain mo ba yang saranggola mo?
ANAK: bakit nay mapapalipad nyo ba ang gulay?
8. MISIS: Ano ba? Two days na tayong kasal wala pa rin
MISTER: Kaso pagod na ako
MISIS: Cge ka, pag ayaw mo maghahanap ako ng ibang lalaki
MISTER: Cge gawin mong dalawa, para tag-isa tayo.
9. TATAY: Bagsak ka na naman Pedro! Bakit di mo gayahin si Juan? Palaging may honor.
PEDRO: Unfair naman po kung ikumpara niyo ako kay Juan.
TATAY: Bakit naman?
PEDRO: Eh matalino po tatay ni Juan eh.
10. ANAK: Nay may ulam ba?
NANAY: Tingnan mo nalang dyan sa ref anak.
ANAK: Eh wala naman po tayong ref dba?
NANAY: Oh eh di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan.
Sana naman ay nagustuhan niyo ang akibg nakalap na mga funny pinoy family jokes ngayong 2021. Laging tandaan na ang pamilya ang unang sandalan sa oras ng kagipitan. Kaya naman sa oras ng kasiyahan huwag natin silang kalimutan.
Mag-post ng isang Komento