Basta mga pinoy marami talagang baong mga hugot at banat sa buhay. Yung iba sobrang sersoyo kung makahugot yung tipong pasan pasan ang lahat ng problema sa buhay. Pero meron din namang mga hugotero na hinahaluan ng jokes ang mga hugot nila sa buhay kaya naman nakakatawa at nakakawala ng stress. Ganun tayong mga pinoy, kahit gaano kabigat ang problema, nagagawa pa rin nating tumawa at ngumiti. Ika nga, problema lang 'yan, pinoy ako! Kaya heto na ang ilan sa mga nakakatawang hugot ng mga pinoy na aking nakalap ngayong 2021.
1. Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sayo - LEGO
2. Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasahan-pasahan, pagod na pagod na ako. - BOLA
3. Hindi lahat ng maasim may Vitamin C - KILIKILI
4. Huwag mo na akong bilugin - KULANGOT
5. Hindi lahat ng hinog matamis - PIGSA
6. Sige kalimutan mo na ako para malaman ng iba ang baho mo! - DEODORANT
7. Punyetang buhay to! Itlog itlog! Araw araw nalang itlog! - BRIEF
8. Hala sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan lang habol mo! - HIPON
9. Hindi lahat ng green masustansya - PLEMA
10. Ayoko ko na! pag nagmamahal ako, lagi nalang maraming tao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal? - GASOLINA
Sana naman ay nagustuhan niyo ang aking mga nakalap na mga funny pinoy hugot jokes ngayong 2021. Laging tandaan na paminsan minsan kailangan nalan nating idaan sa nakakatawang hugot ang mga pasanin natin sa buhay. Hindi ito kaduwagan bagkus ito ay katapangan dahil aware tayo na mayroong problema na kailangang solusyonan. Ang nakakatakot ay yung in denial tayo sa ating mga problema.
Mag-post ng isang Komento