10 Juan Pedro Medyo Tanga Jokes 2021

juan pedro medyo tanga jokes 2021
Bentang benta talaga ang mga medyo tanga pinoy jokes sa ating bansa. Madalas sina Juan at Pedro ang bida dito. Napaka witty din naman kasi ng mga pinoy. Kung ano anong mga katangahan na jokes ang naiisip. Kahit napa korny ay mapapatawa ka pa rin ng malakas. Pero ganunpaman, hindi ibig sabihin nito ay tanga na ang mga pinoy. Sadyang witty at mapagbiro lang talaga tayong mga pinoy. Kaya naman narito na ang ilan sa mga medyo tanga jokes na aking nakalap ngayong 2021.

1. PEDRO: Bwesit na shampoo to, hindi bumubula.
JUAN: Panong di bubula yan hindi naman basa ang buhok mo.
PEDRO: Baliw! For DRY HAIR nga daw ito eh! Bobo ka ba??!
shampoo tanga jokes 2021
2. MANAGER: Oh Pedro bakit di mo sinulatan iyong SEX dito sa biodata mo?
PEDRO: Pasensya na po Sir, di ko na kasi mabilang kung ilang beses na.
manager bobo jokes 2021
3. PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon ng pandinig ko!
JUAN: Wow! Magkano bili mo dyan sa hearing aid mo?
PEDRO: Kahapon lang!
galing sa doktor pinoy tanga jokes 2021
4. PEDRO: Pare bakit malungkot ka?
JUAN: Asawa ko, nag hire ng driver, Gwapo, Bata, Macho!
PEDRO: Nagseselos ka?
JUAN: Nagtataka lang ako, wala naman kaming sasakyan.
bakit malungkot pinoy bobo jokes 2021
5. JUAN: San ka galing?
PEDRO: sementeryo, libing ng byenan ko.
JUAN: Eh bakit puro kalmot ang mukha at braso mo?
PEDRO: Mahirap ilibing eh.. lumalaban!
sementeryo stupid jokes 2021
6. KAMATAYAN: Hawakan mo ang kamay ko.
JUAN: Ayoko! Kilala kita! Ikaw si kamatayan! Alam ko kapag hinawakan kita mamatay ako!
KAMATAYAN: Grabe ang talino mo naman!
JUAN: ako pa!
KAMATAYAN: Apir!
JUAN: Apir!
kamatayan pinoy corny juan jokes 2021
7. PEDRO: Pare bakit may tali ka sa paa?
JUAN: MAGBIBIGTI AKO!
PEDRO: Eh bakit sa paa, dapat sa leeg?
JUAN: Sinubukan ko na kanina, hindi ako MAKAHINGA eh.
magbibigti pedro pinoy jokes
8. TINDERA: Kahit nagtitinda lang ako ng juice, may mga anak ako na nasa UP, UV, UC, USC, USJR, at STC
PEDRO: Wow! Anong course nila?
TINDERA: Wala, nagtitinda din ng juice.
tindera pinoy jokes tanga bobo
9. PEDRO: HELP!! Di ako marunong lumangoy!
JUAN: Eh ano ngayon, ako mga di marunong mag-piano eh, sinisigaw ko ba? Epal!
lumangoy medyo bobo jokes 2021
10. MANAGER: Ikaw ba yung applicant?
JUAN: Opo maam!
MANAGER: Eh bakit ganyan suot mo? Bakit naka trunks at naka shades ka pa?
JUAN: SUMMER job po!
applicant pinoy jokes tanga 2021
Sana naman ay nagustuhan niyo ang aking mga nakalap na medyo tanga jokes ngayong 2021. Laging tandaan na for entertainment purposes lamang ang mga jokes dito. Lahat ay kathang isip lamang at ang pagkakahambing ng mga pangalan at sitwasyon ay hindi intensyon ng may akda at ito ay nagkataon lamang.
Mga etiketa:
This is the most recent post.
Mga Lumang Post

Mag-post ng isang Komento

[blogger]

Author Name

Form sa Pag-contact

Pangalan

Email *

Mensahe *

Pinapagana ng Blogger.