May dalawang klase ng hugot. Una ay yung seryoso, yung tipong gabundok ang problema, yung tipong may pinagdadaanan sa buhay. Yung pangalawa naman ay yung hugot na nakakatawa. Yung tipong nang aasar lang. Yung trip trip lang. Pero kahit ano mang klaseng hugot iyan, sigurado maraming baon ang mga pinoy diyan. Kaya naman heto na ang ilan sa mga nakakatawang hugot lines na aking nakalap ngayong 2021.
1. Nasasaktan ako pag sinasabihan ako ng pogi...kasi nga "truth hurts". wahaha
2. Hindi lahat ng walang salawal ay bastos - WINNIE THE POO
3. Ginawa ko naman lahat para sumaya ka mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat lipat ka? - TV
4. Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako! - LIBAG
5. Anong kasalanan ko sayo, iniwan mo nalang akong duguan. - NAPKIN
6. Wala naman akong ginawa sa kanya! Hindi na nga ako gumalaw dito. Ako na nga yung natapakan, siya pa yung galit.. bakit ganun? - TAE
7. Bakit ba lagi niyo akong pinag-iinitan ano ba kasalanan ko? - TAKURE
8. Pinikot ikot mo lang ako. Nagsasawa na ako. Mabuti nalang patayin mo nalang ako. - ELECTRIC FAN
9. Kahit anong tamad mo tatayo at tatayo ka pa rin para icharge ang phone mo. Hehehe
10. Anong tawag pag natapon ka ng basura sa sagat? Sagot: Pollution
Eh ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Solution
Sana naman ay nagustuhan niyo ang aking mga nakalap na funny hugot jokes ngayong 2021. Laging tandaan na ang buhay ay di mawawala ang problema, part of life na kumbaga. Depende nalang talaga kung paano natin sila haharapin. Tulad ng iba, dinadaan nalang sa mga hugot lines. At least kahit papano, nailalabas nila ang saloobin nila.
Mag-post ng isang Komento